pensieri del pazzesco
thesuicidalpanda.blogspot.com
Hello there, you've stumbled upon...nothing, you just stumbled...watch where you're clicking
Version 3.0
Word-vomiting since 2005
disclaimer
please read before proceeding
This site documents various circumstances that may be used as evidence in court, proving the author guilty of certain crimes beyond reasonable doubt…lest you, Reader, have no sense of sarcasm, irony, exaggeration, metaphor and any other figure of speech you learned from your English teacher.
Chos.
hai...
December 25, 2005/ 12:05 AM
Wala akong magawa.Hindi ko maintindihan, nilalamon ako ng kalungkutan na hindi ko alam kung saan nag-uugat. Marahil ang takbo ng utak at damdamin ay sadyang ganito. Kapag wala kang magawa, dahan-dahang gagapang ang kalungkutan sa iyong sarili. Pilit kong inaalala ang mga magaganda at matatamis na kwento sa mga pahina ng nakaraan-sa libro ng buhay ko. Pero hindi ako makagalaw. Nanantili ang panahon sa pahinang walang laman. Kung hipan man ng hangin ang mga ito, ang mga pahinang gusto kong limutin ang nadadapuan ng paningin ko. Sinubukan kong makaalis sa riyalidad sa pamamagitan ng pagsusulat...para kahit sandali ay maibsan ang kalungkutang ito. Noong una ay nagtagumpay ako, pumasok ako sa isang mundong malayo sa mundong iniikutan ko..ngunit hindi ito nagtagal. Naputol ang kwento, tumigil ang takbo at naiwan ako. Napilitan akong bumalik sa lupang tunay kong inaapakan. Ngayon, wala akong magawa. Wala kundi isulat ang mga nararamdaman ko, kahit ako mismo hindi mabuo ang mga piraso nito para maintindihan ko. Sa simpleng paliwanag: nababato ako.
0 bothered.