Napakaraming nangyari sa nakalipas na mga araw. Isang paella ng emosyon, hinain sa plato ng pagod at puyat. Matapos buhusan ang sarili ng likido ng gasera sa akademya, mas lumiyab pa ang apoy sa buhay labas ng libro.
Rekado..Isa, lumitaw sa gitna ng hapag-kainan. Pagsalubong, sa isang despedida.
"Balita ko nag-(boblogs) ka daw ah"
"Oo, pero hindi naman sobra, alam ko naman kaya ko pang itigil kung gusto ko e."
"Yung nangyayari sa'yo ngayon kaya mo pigilan, yung akin hindi na eh."
Bagong buhay nakapaloob sa isa pang buhay. Desisyong bulag sa kinang ng salapi. Putik na sagasa ng determinasyon. Pagunawa ng puso bago paghusga't panduduro.
Wala na talagang teleserye ang dadaig at higit pang kukulay sa tunay na buhay.---------------
PampalasaDespedida- pamamaalam sa pagalis ng isa, pamamaalam dala ng pagtanggap, pamamaalam.
Ja, mamimiss kita. Yung iba pa, hindi na kailangan pang sabihin.
---------------
Ang kanin ng paella...Tak. tak. tak. Sa lupa ng plaza lumagapak.
"Ano ba yan?!".Tumigil ang ikot ng makina ng isip at gunita.
"Ano ba yan?!".Maya-maya'y gumana; di namalayan ang kanilang pagtulo habang tulala.
"Ano ba yan?!".Tak.tak.tak. Bawat segundo unti-unting sinasaksak.
Hindi despedida. Hindi ko ito yakap.
Takot akong tignan ka, maamoy, mahawakan, sa pangambang baka maging huli sila kapag tinuloy ko pa. Ngayon, ang mga butil ng pawis sa mainit na kape, usok na lumilipad pahimpapawid, mga isang tawag na humihila agad-agad sa isa't-isa, pagkakaintindihan sa katahimikan, pangamba sa mga pasaning lligaw sa salita...lahat sila nagsimula nang mangutya, dahil dala nila iyong alaala. Takot dahil hindi ko tanggap. Takot dahil ayaw kong paniwalaan.
Kahapon, ramdam ko pa ang pagulan ng mga cicada.
Ngayon wala na sila.
Ikaw....bumuhos ka, at 'wag titila.
Huwag.
Huwag.
Tadhana, magbigay awa.
Hindi...Ayoko...
---------------
Nasamid. Nabubulunan ako dahil hindi ko kaya 'to. Sana pwedeng isuka ang lahat o ipurga, pero walang laban sa panulak na Katotohanan.
Busog na ako, tigilan na 'to.
10:00AMMessages.
Inbox.
Edge.
"Naaksidente aq passing ortigas, bumaliktad ung car na cnsakyan namin. Thank God buhay pa ko. I love you all guys. 4:11:46AM
Panic.Create message.
Lola.
Repy.
"D2 na sya, pnachk up n nmn s mdical coty, thnk God ok na sya. 2log ngyn."I'm so glad your ok.
Love you mare.
______________________________________________________________
Studying for BA 5 Prelims. Realized for the nth time that I didn't learn a thing from my prof. Oh wait, I did...shoulder pads and leg warmers are still a fad, (ehem). I concluded with Kai that she's not worthy of my tuition. She told me I don't take everything as it is, always practicing hermeneutics of suspicion.
Maybe I am, what are Martians for, right? *__*
Sa 'king paglingon hindi ko nawari, Lupa'y nabungkal muli. Walang magagawa...tatabi na lang sa iyo't patuloy na magaantala. Makikinig, makikitawa, makikiramdam...makikiiyak. Kahit pa ang bawat suntok sa iyo, damang-dama ng laman ko.
Hindi mo kailangang humingi ng tawad.
Bakit ba kailangan masaktan kapag nagmahal?
Alam ko na ang sagot. Pero madalas pa rin na lumabas ang tanong na ito mula sa sarili...
Ilang lagalag na Puso ang nadaanan ko sa king paglalakad. Batid ng mga mata ko ang pasa't sugat sa kanila, tumatagos sa akin ang kirot sa likod ng mga ito. Pati ang mga luha, maging ang duguan na mukha nito, nagdaraan sa mga kamay ko. Bawat patak ay may kwento, bawat tulo, may kinikipkip na pagsuko. Isa sa kanila ang tinanong ko, "Paano ka nagkaganyan Puso?" Sagot niya'y "Dahil sarili ko ay sinuko, walang natira ni isang tibok...para malaman lang na ang inakalang si Magpakailanman, sa kalaunan, ay walang iba kundi ang kambal na si Alaala at Pagsubok lamang". Natigilan ako't napaisip, yumuko at nagtanto kung hahayaan na ako'y tumuloy pa hanggang dulo ng daanan at isugal na ang kakaunting mga daplis ko ay maging sinlubha ng hikahos ng mga pusong gaya nila. Isang patak ang nagpatigil sa 'king pagbubulay-bulay. Sa aking pagtango nakita kong ang patak ay luha mula sa nakausap na Puso. Sinundan ng aking paningin ang ilog ng luha, at doon nakita kong bumubuhos ito sa mga nakangiting mga mata. Maalat ang tubig ngunit matamis ang nakapaloob sa titig. At doon nalaman ko, doon nalaman ko...at buong-loob naglakad patungo sa dulo..( )..gaya ng sabi ko...hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat mo'ng mabasa dito, tatahimik lang ako...Basta't alam mong nandito ako para sa'yo...sila...at Siya. O, punasan mo muna yang pawis mo, alam ko, mahirap yang ginagawa mong hukay. Punasan mo muna yang luha mo, alam ko din, mahirap ibaon ang lahat lahat. Ngayon, ngumiti ka...dahil may mga susunod pa. Swerte mo kung ang susunod ay wala nang kasunod. Basta, may pala din ako, kami, mabigat man ang bugkos ng lupa..matatabunan din at mamamayapa.
MD. Yun na.