Isang pagpapalawak ng bokabularyong Filipino (Note: Filipino, hindi Tagalog) mula kay Mingu at Dokito.
1. Jellyace
(adj.) Isang kalse ng emosiyon kung saan naiinis ka sa isang tao, pangyayari o sitwasiyon ngunit naiiintindihan mo at the same time...na mas kainis-inis dahil nga hindi mo mailabas ang galit mo ng tuluyan dahil nga naiiintindihan mo.
Ehemplo:
Anniversary niyo ng jowa mo. May lakad siyang dapat punatahan kung saan makakadaupang-palad niya ang mga personalidad na siyang magbibgay-daan sa kanyang mga pangarap. Pagdating niya ay mag-uumaga na, yayakap, tatanggalin mo ang mga bisig. "Sandali lang ha, najejelly-ace ako, gets mo naman di ba?"
2. Benefit of the Daw
Not to be confused with Benefit of the doubt--"A favorable judgement given in the absence of full evidence."(Wiktionary)
(n.) Isang prinsipyo kung saan agad na babawiin ang negatbong initial reaction tungo sa isang taong may nagawa o nasambit na naimasama mo, dahil na rin sa kakulangan ng ebidensiya, paliwanag o konteksto...mapapaisip ka na lang in all honesty ng "ano nga DAW ba ang ibig niynag sabihin by that"
Ehemplo:
Mali ang ahit mo sa kilay mo. Nagkita kayo ni Close na close mong Friend. Friend in a non-sarcastic tone: "Ganda mo ngayon, may iba sa face mo or something". Napataas ang kilay mong kalahati lang ang may buhok. Ngunit magte-take two at mapapaisip."I'll give her the benefit of the DAW".
3. Zip Zap Zoom
(adv) Isang kondisyon kung saan hindi mo alam kung saan ka dinadala ng tadhana na hindi mo rin naman nilalabanan ngunit magkahalo ang pakiramdam ng excitement at takot dahil baka magising ka isang araw na hindi mo na kontrolado ang nangyayari sa iyo.
Ehemplo:
Pangit ka ngunit na-discover at nasabak sa showbiz. Matapos ang isa mong teleserye ay may sex video ka na, sangkot sa isyung droga, at walang makakapitan. Mapapaupo ka, tulala, and in a Maricel Soriano fashion...."Paano ako umabot sa ganito? Feeling ko na-ZipZapZoom ako"