pensieri del pazzesco
thesuicidalpanda.blogspot.com
Hello there, you've stumbled upon...nothing, you just stumbled...watch where you're clicking
Version 3.0
Word-vomiting since 2005
disclaimer
please read before proceeding
This site documents various circumstances that may be used as evidence in court, proving the author guilty of certain crimes beyond reasonable doubt…lest you, Reader, have no sense of sarcasm, irony, exaggeration, metaphor and any other figure of speech you learned from your English teacher.
Chos.
patawad
January 05, 2006/ 5:32 PM
Tama na. Ayoko na.
Itigil ang inyong palakpak, bingi ang aking mga tenga sa inyong pagpugay at pagbati. Bingi, dahil alam ko'ng sa bawat lagapak ng inyong mga kamay, umaangat ang entabladong sa huli'y aking paghuhulugan. Bingi, dahil alam kong hindi tunay ang panahong ito. Kayo'y nagbibigay-pugay sa isang tagumpay na kailanman ay hindi nakamit o makakamit pa. Nadudurog ang kalooban at kaluluwa ko sa bawat kislap ng inyong ngiti, sa paghiyaw niyo'ng kay saya. Patawarin niyo ako, ngunit halal ang lahat-- ako, ito, lahat lahat. Pakiramdam ko ay ako ang nagdiin sa palang siyang gumawa ng sarili ko'ng hukay. Dahan-dahang inangat ang lupa na sana'y nagbunga ng prutas na subok sa tibay ng panahon at karansaan. Ngunit ito'y nabungkal na, latag na ang himlayang aking kasasadlakan. Patawad...patawad....