Bakit ba kailangan masaktan kapag nagmahal?
Alam ko na ang sagot. Pero madalas pa rin na lumabas ang tanong na ito mula sa sarili...
Ilang lagalag na Puso ang nadaanan ko sa king paglalakad. Batid ng mga mata ko ang pasa't sugat sa kanila, tumatagos sa akin ang kirot sa likod ng mga ito. Pati ang mga luha, maging ang duguan na mukha nito, nagdaraan sa mga kamay ko. Bawat patak ay may kwento, bawat tulo, may kinikipkip na pagsuko. Isa sa kanila ang tinanong ko, "Paano ka nagkaganyan Puso?" Sagot niya'y "Dahil sarili ko ay sinuko, walang natira ni isang tibok...para malaman lang na ang inakalang si Magpakailanman, sa kalaunan, ay walang iba kundi ang kambal na si Alaala at Pagsubok lamang". Natigilan ako't napaisip, yumuko at nagtanto kung hahayaan na ako'y tumuloy pa hanggang dulo ng daanan at isugal na ang kakaunting mga daplis ko ay maging sinlubha ng hikahos ng mga pusong gaya nila. Isang patak ang nagpatigil sa 'king pagbubulay-bulay. Sa aking pagtango nakita kong ang patak ay luha mula sa nakausap na Puso. Sinundan ng aking paningin ang ilog ng luha, at doon nakita kong bumubuhos ito sa mga nakangiting mga mata. Maalat ang tubig ngunit matamis ang nakapaloob sa titig. At doon nalaman ko, doon nalaman ko...at buong-loob naglakad patungo sa dulo..( )..gaya ng sabi ko...hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat mo'ng mabasa dito, tatahimik lang ako...Basta't alam mong nandito ako para sa'yo...sila...at Siya. O, punasan mo muna yang pawis mo, alam ko, mahirap yang ginagawa mong hukay. Punasan mo muna yang luha mo, alam ko din, mahirap ibaon ang lahat lahat. Ngayon, ngumiti ka...dahil may mga susunod pa. Swerte mo kung ang susunod ay wala nang kasunod. Basta, may pala din ako, kami, mabigat man ang bugkos ng lupa..matatabunan din at mamamayapa.
MD. Yun na.