After ten years may update na ko.
Hmm...ano na naman bang mga pangyayari ang gumuhit saking kapalaran? Ahh..
FILIPINO, 10-11:30AM. Graded recitation.Dalawang beses lang magaganap ito sa buong semestre sa klase ni Sir Atalia. Over 100, 60 ka kung absent o kung aminin na "hindi ko alam dahil hindi ako nagbasa". 50 kung pinaikot-ikot mo lang ang dila mo at ngumuya ng laway para may mailabas na 'sagot'...o kung may nakaligtaang katiting na detalye na ang dating kay Sir ay isa kang malupet na manlilinlang at di mapagkatiwala-tiwalang nilalang.
Ang una naming recitation ay binase sa first reading na binubuo ng...wala naman 81 pages lang naman. 8 chapters tungkol sa wika, tagalog, plipino, filipino, konstitusiyon at kung bakit si batman ay si batman. Isang chapter lang ang nabasa ko kagabi. Good luck.
DEAL or NO DEAL?!Ika-lima sa finalists si Marloni. Siya lang ang nagbasa sa aming apat.Tama yung sagot pero may butas.
SIR: Bakit Tagalog ang pinagbatayan ng Pilipino at hindi ibang dayalekto?
MARLONI: Dahil mas maraming akda sa wikang tagalog...=K O R E K....
....at dahil mas maraming gumagamit dito........................= Patay
KRIS: Marlon, isip ng mabuti, (pause) tatawagan ba natin ang banker?
MARLONI: Yes.
KRIS: Marlon (pause...stern look)Nagdesisiyon na ang banker....(buntong hininga)
SIR: Ahh...May kaibigan ka ba dito? Magtaas nga ng kamay mga kaibigan niya
( Avery, Star and MIngu raises hands)SIR: Mamili kayo, may chansa kayong makakuha ng uno sakin. Kahit magpagawa pa tayo ng affidavit at witness ang buong klase na kapag tama ang sinabi mo uno na kayo. Gusto niyo ba yun? Dali, uno kaagad, walang kahirap-hirap.
LITERAL TRANSLATION: Ugok. Niloloko mo ba ko sa sagot mo?! Mas marami pa ang Cebuano ang gamit na dayalekto noong 1930's. LIKE DUH?! Like that is SOOoo elementary. Ngayon, idadrop mo subject ko at magkita tayo sa mga susunod na taon kung saan ibabagsak uli kita o pahihiyain kita sa di masyadong halatadong paraan dahil mali ang sagot mo?
KRIS: Guys, (pause) mamili kayo, (pause) bubuksan ba natin ang briefcase?(pause) Kapamilya! Deal or No deal? (..and the crowd goes wild...'deal!'... 'no deal!')
AVE: Hindi po.
MINGU: Hindi po sa ganitong paraan.
SIR: Ano bang paraan ang gusto mo? Sige, pagusapan natin.
KRIS: Mingu (pause...long look) Shall we call the banker again?
MINGU: HIndi na lang po pala.
KRIS: Ok (pause) Hindi na daw mga kaibigan (pause..frown) O, Estar...
ESTAR:..HIindi rin po.
KRIS: Kapamilya, ang pinili nila ay No Deal! ( Laughs heartily, strobe lights on, crowd cheers)
Ayun.
Matapos ang ilang hemmorhages, abrupt na pagsulpot ng mga tumor at kawalan ng hwisyo, nagmove-on din naman, luckily di pa kami natawag na tatlo...may part 2 pa ang Deal or No deal sa Huwebes. Sige, tatapusin ko lang yung kakarampot na 66 na di ko pa nabasa. Ciao.