Kailan nga ba sapat ang sapat, puno ang puno, lahat ang lahat? Paano kung sa iyo'y ang lahat ay ang pagsakripisiyo ng mundo mo...ngunit sa huli'y wala ring saysay, walang kabuluhan...pati Ikaw ay wala?
Ubos na ata ang tubig sa tangkeng ito, tubig na may alat ng mga luha at pait ng dugo. Ngayon, pati ang asim ng kalawang naninilaw ay tuluyang nilalason ang tubig. Paubos na dahil ang dating katas ay naibuhos na....naibuhos sa lupang basa na...lupang di nangangailangan sa mga patak na ito. Sa huli, tanging ang kalawang ang matitra. Yayakapin ng tubig at sila'y magiisa, magiisa sa tangkeng di kalaunan ay itatapon na lamang...diyan sa kawalan.
Masaya ba? Malungkot? Hindi ko alam...Siguro'y dahil manhid na ako, pati kasi ang pakiramdam ay naisakripisyo. Ito, kasama ng aking pagkatao.
Ito ang lahat ko...na kailanma'y Hindi..para sa inyo.